Monday, June 10, 2013

My PUP Experiences


BSIT ako sa pasukan and incoming freshman sa PUP.

February 17, 2013
Araw ng PUPCET pero araw din ng birthday ng ate ko. Pero no choice ako, kelangan kong mag-take ng test na nagbakasakali lang. Alam niyo bang ito lang ang school na ininquire ko? Tinanggi ko pang magcollege nun eh kasi napakatamad akong tao nun. Pero ngayon hindi na kung nag-aalala man kayo. xD
Its been 5 Hours of waiting at nasa room na ako nun. Talagang focus ako dun na walang iniisip kundi yung test. Then kalagitnaan ng test, may isa akong roommate na babae na kumakanta talaga sa araw ng test. Nagulat ako kung ano yon kung ringtone ba yun or kung anu-ano. Kumakanta ng Linkin Park song di ko alam kung Numb ba yun or In the End. Pero di ko na inalintana yun. At least pang-soundtrip na din habang nagtetest. xD

April 18, 19 & 22, 2013
Araw naman ng enrollment ko. Hay. 3 days akong pabalik-balik dun sa campus. Pero nung una pa lang, I do the steps in enrollment (Admission, Interview, X-Ray) pero ang di ko talaga makalimutan ang Cashier moment. On that moment talaga, Almost 12 hours akong nag-antay tas after 48 Years, Ayun! parang naenlighten na ako nung nasa harap na ako ng cashier. Parang umattend lang ako sa isang Healing Mass. xD

May 9, 2013
Kuhaan naman ng Registration Certificate. Wala naman akong reactions dun kasi mabilis naman ang proseso duon. But nung time na yun. Yung classmate ko dati, nagkekwentuhan daw sila ng kablockmate niya nung time na yun sa lagoon. Makulit eh! Eh yung cellphone ng classmate ko nun, Alcatel phone yun!! Nakapatong sa inuupuan dun sa may lagoon. Kaya ang nangyari, natawa ng wagas ang classmate ko at nasipa niya ang cellphone sa may lagoon kaya ayun lumubog. xDD
Tas nagulat na lang ako kung bat niya yun ginawa pero di naman niya sinasadya. Aksidente daw yun. So panu na yan. E di wala daw siyang magagawa. Lumubog na eh. Kaya dinaan na naman niya sa tawa ang lahat na halos mabaliw na siya dun. xD

Yun lang. Shinare ko lang naexperience ko.