Tuesday, May 28, 2013

College Tips for Freshman

1. Pumili ng karesperespetong notebook dahil dito ka huhusgahan ng sanlibutan. Iwasang bumili ng notebook na tingi-tingi lang sa mga palengke.

2. Wag ng magdala ng lapis, pantasa, crayon at eraser. Bolpen at isang notebook na lang.

3. Don’t make dala ng lunch box anymore. Make bili muna sa canteen on the first day.

4. Learn to make friends. Pero iwasang ma-friendzoned.

5. Siguraduhing nakopya mo ng mabuti ang sked mo para iwas hassle.

6. Paghandaan ang iyong “I am…I’m from” speech para sa first meeting ng kahit anong klase mo.

7. Ito ang araw na maghahanap ka ng classroom. Kung ayaw mong mamula sa mga susunod na araw dahil late mo na nakita ang room habang nakaupo na sila pati ang prof mo, agahan mo ang pasok.

8. Wag dumaan sa LOVERS LANE kung single ka. Baka mainggit ka.


9. Gandahan ang ngiti sa ID. Buong taon mo yang gagamitin.

10. Laging dalhin ang registration form/C.O.R. Yan ang life saver mo kapag wala kang ID at pipirmahan yan ng mga prof mo sa 1st meeting.

11. Hanap ka ng lugar na pwede niyong tambayan sa campus lalo na kapag vacant.

12.Wag mamili ng kaibigan. Pero mamili ka ng pagkakatiwalaan. Madaming user, so called, “fake friends” sa college.

14. Madami kang makakasalubong na POGI sa hallway pero pigilan mong mainlove. Wag kang malinlang sa kanila dahil mostly, POGI DIN HANAP NILA.

15. First impressions last. Kaya itago ang kakatihan at pigilin ang kalandian. Pumpasok ka para mag aral.