Thursday, May 23, 2013

Sword Art Online


Ito ang pinakamagandang anime story na ipinalabas sa buong mundo. Top-rated ito. At hinahanap-hanap at pinapanuod ng lahat. Ang Sword Art Online (SAO).

Noong taong 2022, nirelease ang isang Virtual Massively Multiplayer Online Role Playing Game (VMMORPG) ang tinatawag na Sword Art Online (SAO). Sa laro, Naikokontrol ng mga players ang kanilang avatars gamit ang kanilang mga katawan gamit ang Nerve Gear - Isang VR Helmet na nagpapagalaw ng 5 senses sa katawan. Gayunpaman, sa unang araw ng laro ay nadiscover ng mga players na hindi sila makalog-out. Ang Creator ng laro, or ang GM na si Kayaba Akihiko, ay sumulpot sa mga players, diniscuss ang overview at rules ng laro. Kapag namatay daw ang kanilang avatar sa laro, ganun din ang kanilang mga katawan. Buwis buhay kumbaga ang laro. Makakaalis sila sa laro, kapag naabutan na nila ang 100th floor ng mundong larong iyon at pabagsakin ang boss na si kayaba Akihiko. Habang ang mga players ay gumagawa ng paraan para makaalis sila sa laro, dalawang skilled pro swordsmen na sina Kirito at Asuna, ay determinadong makakaalis sa laro. Ang Pangalawang part ng anime story ay mapupunta sa Alfheim Online (ALO) - ang pangalawang mundo na parang SAO din ang dating na nagdeveloped ng isang kompanya na kumuha sa maintenance ng SAO sa kasagsagan ng krisis na kung saan nalaman daw na si Asuna ay kinuha at nakulong sa mundong iyon, at hindi siya makalog-out at naospital sa totoong mundo. Gagawin naman ni Kirito at ang mga bagong allies niya sa ALO ang lahat para marescue niya si Asuna.

Ang anime na ito ay prinoduced ng A-1 pictures, at dinerek ito ni Tomohiko kasama ang Musika na si Yuki Kajiura, Character Design - Shingo Adachi, Art direction ni Takayuki Nagashima at Yuseke Takeda at ang sound direction ni Yoshikazu Iwanami.

Gusto niyo bang mapanuod ang buong season ng SAO? Heto ang link: